Isang pagrereview o critique sa isang tulang isinulat sa panahon ng World War II
Isinulat ni Jess Michael S. Padogdog
Sa tulang isinulat ni Thomas McGrath na pinamagatang “All the Dead Soldiers”….
In the chill rains of the early winter I hear something—
A puling anger, a cold wind stiffened by flying bone—
Out of the north …
and remember, then, what’s up there:
That ghost-bank: home: Amchitka: boot hill ….
They must be very tired, those ghosts; no flesh sustains them
And the bones rust in the rain.
Reluctant to go into the earth
The skulls gleam: wet; the dog-tag forgets the name;
The statistics (wherein they were young) like their crosses, are weathering out,
They must be very tired.
But I see them riding home,
Nightly: crying weak lust and rage: to stand in the dark,
Forlorn in known rooms, unheard near familiar beds:
Where lie the aging women: who were so lovely: once.
naipapahayag sa mamababasa ang mga madalas maramdaman ng mga malapit sa gyera o ng mga mandirigma na naligtas at nabubuhay pa roon. Ito ay nakabalot sa isipan nila sapagkat madami ang mga nasawi sa bakbakan kung kaya’t napakapait at dilim nalang ng pagiisip ng mga mamamayan doon. Nabangit ang “dog tag” isang bagay na nakasulat doon ang pangalan ng mandirigma, na sa dinamidami ng mga namatay ay ang pangalan, pagkatao ng mga bangkay ay ‘di na nabibigyang halaga’t kakalimutan lamang pagdating ng panahon. Na sa dinamidami ng mga namatay ay nalulunod ang mga tao sa katamlay ng buhay at kaginaw ng kawalan. Mismong ang mga asawang naiwan ng mga nasawing sundalo ay ‘di na rin makakarinig sa boses ng kanilang minamahal, makapiling sila kahit man sandali. Napapansin din sa tulang naisulat ang ideya kung saan ang mga mandirigma doon ay hindi talaga gustong mamatay pero wala nadin silang magawa kung ‘di ay sundin ang utos ng mga nakakataas nila.
Ito yung napili kong tulang gawa sa panahong iyon sapagkat sa pamamagitan nito ay parang nadadama ko na din yun kasaklapan ng karamihan ng nasawing mandirigma na ‘di dahil maydigmaan ay wala naring malulungkot sa pagkawala ng kanilang sinta at pati na rin sa pagkawala ng buhay ng maraming tao na sumusunod lamang sa utos ng kanilang lider kahit man masama o nakakabuti ito.
Follow My Blog
Get new content delivered directly to your inbox.